Una sa Balita

“Jennylyn, hindi basta-bastang babae!” — Gil Guerva

0 58
jennylyn-and-gil
Jennylyn and Gil

Ang magandang chemistry nila ni Jennylyn Mercado ang kine-credit ng baguhang actor na si Gil Cuerva kaya maganda ang ratings ng teleserye nila na My Love From The Star.

“I recognize na hindi siya basta-bastang tao o babae. It’s Jennylyn Mercado. Superstar na siya at nire-recognize ko iyon.

“Sa lahat ng fans sa ‘My Love From the Star,’ maraming salamat sa suporta niyo. Sana patuloy ‘yung suporta na binibigay niyo from watching the show,” ngiti pa ni Gil.

Magaganda lahat ng mga comments na nababasa ni Gil sa social media tungkol sa kanyang pagganap bilang si Matteo.

“Na-a-appreciate ko yung mga comments na iyon kasi baguhan lang ako. These compliments mean a lot to me.

It goes to show na lahat ng hardwork ko is paying off. I hope lahat ng fans will continue to support me,” diin pa niya.

Bukod sa mahusay na pagganap ni Jennylyn bilang Steffi, sobra rin ang pasalamat ni Gil sa director nilang si Bb. Joyce Bernal.

“Chemistry. Pero a lot has to do with Direk Joyce as acting coach.

“Aside from Jennylyn, I give credit to them kaya gumagana ‘yung scene. Nagkakakilig sila kasi nakikinig ako kay Direk Joyce as acting coach.” 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy