Una sa Balita

Jennylyn, Dennis todo harutan sa TikTok

0 662

Naki-join na rin sa TikTok craze ang Ultimate Star na si Jennylyn Mercado! Ipinakita ni Jen sa kanyang mahigit 89,000 followers ang kanyang comedic side sa pamamagitan ng kanyang TikTok videos, pati na rin ang kanyang kulitan, harutan kasama ang boyfriend na si Dennis Trillo at kanilang mga alagang pusa.

Samantala, inabangan ng fans ang CoLove segment noong Linggo sa no-contact online show ng Kapuso network. Pinakilig nina Jen at Dennis ang Kapuso netizens sa kanilang rendition ng “Need You Now” ni Lady Antebellum. Sa kanilang number, tumugtog din si Jen ng bass guitar habang acoustic guitar naman ang kay Dennis.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Jen na nag-aral siyang tumugtog ng bass guitar habang hindi muna sila nagte-taping ni Dingdong Dantes, dahil sa enhanced community quarantine. Pinayuhan niya rin ang kanyang mga follower na gamitin ang pagkakataong ito para matuto ng mga bagong hobby habang nasa bahay.

“Sino ba namang mag-aakala na magkakaroon tayo ng ganitong kahabang free time kaya dapat samantalahin na natin ‘to. Gawin nating makabuluhan,” sabi ni Jen. (Dondon Sermino)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More