Una sa Balita

Jennylyn, Dennis super tukaan sa bundok

0 356

Habang stressed ang marami sa nagdaang eleksyon, nag-post ng pampa-good vibes si Jennylyn Mercado at nagkalat pa ito ng kilig sa social media.

Nag-post ang Kapuso Ultimate Star at bida ng romcom teleserye na “Love You Two” ng kanyang birthday greeting para sa boyfriend na si Dennis Trillo.

Sa kanyang pinost na photo, naka-liplock ang dalawa habang ang background nila ay mga bundok. Nasa isang hiking trip ang dalawa at doon sila nag-celebrate ng birthday ni Dennis.

Maraming netizens ang kinilig sa post na ito ni Jen at maging ang ilang mga celebrities ay napa-“Wow” at “Oh” sa pagmamahalan ng dalawa.

Tama lang daw pag-post ni Jen dahil masyadong naging toxic ang social media sa mga election results. Napagaan nina Jen at Dennis ang emotions ng marami sa social media dahil sa pinakita nilang pagmamahal sa isa’t isa. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy