Una sa Balita

Jennylyn, Dennis nilanggam sa tukaan, harutan sa dagat

0 2,003

Iba rin magpaandar si Dennis Trillo, ha! Siya ang may birthday nu’ng May 12, pero siya ang may regalong pakilig sa mga fan nila ni Jennylyn Mercado­, ha!

Sa latest post ni Dennis sa Instagram, umulan ng kilig na kuwento, salita, dahil sa sobrang sweetness nila sa photo na ‘yon, na nasa tabing dagat sila, at magkaharap sila ni Jennylyn, at magkayakap siyempre.

Sa caption pa lang ni Dennis, mai-in love ka na talaga, dahil puro emoticon na puso ang nakalagay.

“That’s wetness and that sky,” sabi ni markbaquiran.

“My God kinilig ako sa inyo DenJen. Love you both. So sweet couple,” sey naman ni mariz­_jenden.

“Perfect partners for life. God bless you more,” saad naman ni vickyvicente_.

“Ay grabe na ito jusme hihimatayin na ako sa kili­g ano ba papaw binigla mo kami,” chicka naman ni carlolao2001.

“Hay naku magpakasal na kayo kasi. Please. Shocks yun bum ni Jen oh kaingget!” sambit naman ni chinkyjoydrew.

Sa Instagram account naman ni Jennylyn ay makikita rin ang photo nila ni Dennis na ang background ay ang paglubog ng araw, kaya medyo shadow na lang nila ang nakita. Pero obyu­s sa photo nila na magkadikit ang kanilang mga mukha na puwedeng umabot sa tukaan.

Sa Balesin Island Club ang location ng photo nilang dalawa.

Anyway, karamihan sa nag-comment sa photo nina Dennis at Jennylyn ay nakikiusap na magpakasal na silang dalawa. ‘Yun na nga lang daw ang kulang, dahil obyus naman na nag-uumapaw ang pagmamahal sa kanilang dalawa.

Speaking of Jennylyn, sa Instagram account naman ni boomsason ay makikita ang pamatay na kaseksihan niya na nasa tabing dagat.

Gorgeous, hot, fireeee, perfect, beautiful, dyosa, gwapa, kalerki, ganiyan ang mga komentong mababasa mo.

Pero, lamang na lamang ang nagsasabing MILF nga si Jennylyn. Well, medyo malaswa ang meaning nito, kaya hindi ko na lang ide-define rito.