Una sa Balita

Jennylyn, Dennis matagal nang magka-live in

0 795

abante-i-know-better-jun-nardoPinasok na rin ni Jennylyn Mercado ang YouTube channel.

Sa unang paandar niyang video, magkasama sila ng boyfriend na si Dennis Trillo at tila nasa bahay sila ng Ultimate Star base sa pasilip niyang vlog.

Si Dennis ang una niyang sorpresa na nasa loob ng kuwarto na isang music room pala. Sa pahayag ni Jen, plinano raw nila ng boyfriend niya ang music room na ‘yon.

Nagpasampol pa nga ang BF niya ng pagtugtog ng drums. Collaboration nila ang segment Co-Love at silang dalawa ang nag-ayos ng room.

Nitong nakaraang araw, eh birthday ni Jen. Ilan sa bumati sa kanya ay ang “Love You Two” co-stars niyang sina Gabby Concepcion at Nar Cabico.

Pero teka, may mga nagtatanong, sa bahay na ba ni Dennis natutulog si Jennylyn? O si Dennis ba ang madalas matulog kay Jennylyn?

Matagal na nga ba silang magka-live in?

Sharon bagong ‘Horror Queen’, suportado ni Tetay

Naging sagabal ang nangyaring aksidente kay Kris Aquino kaya naman na-miss niya ang first day showing ng horror movie na “Kuwaresma” ng kaibigang si Sharon Cuneta.

Gustuhin mang lumabas ni Kris, pinayuhan daw siya ng doktor na magpagaling muna.

Pero sa komento niya sa isang Instagram post ni Shawie, nangako naman siyang panonoorin ang pelikula lalo na’t naintriga siya sa reviews na nababasa niya na talagang nakakatakot ang Erik Matti movie at nakakaloka ang malaking twist sa kuwento, huh!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More