Una sa Balita

Jennylyn, Dennis dinedma ang mga Kapuso direktor

0 562

Marami raw babalikan ang magsyotang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa kanilang love story sa pamamagitan ng kanilang concert na “CoLove Live” on February 15 sa New Frontier Theater.

First time na magsasama ang dalawa sa isang concert na ididirek ni John Prats at ang musical director ay si Adonis Tabanda. Bongga, ‘di ba, na isang Kapamilya ang kinuha nilang director, at hindi Kapuso.

“Ever since, mahilig talaga kami ni Dennis sa music. Isa ito sa mga bagay na talagang passionate kami pareho kaya naman ngayong love month, gusto naming maipadama sa mga tao ang saya at sakit ng pag-ibig through songs na kami mismo ang pumili ni Dennis,” sey ni Jen.

Sey naman ni Dennis:

“Sobrang totoo lang ‘yung paglalahad namin ng aming kuwento dito. Kung ano ‘yung totoong pinagdadaanan ng mga taong nagmamahal, iyon na iyon. Kaya natutuwa kami na katrabaho namin si direk kasi natumbok niya bawat emosyon na gusto naming ipadama sa kung paano niya nilatag ‘yung show.”

Nagsimula ang CoLove ng DenJen via YouTube channel. Parehong mahilig sa songs ng ’80s and ’90s ang dalawa at minsan ay may guest pa silang mga kilalang musician.

Umabot na sa mahigit 15 million views ang mga nai-post na nilang videos sa YT.

Magiging guest performers din sa “CoLove” ay sina Alden Richards, Carlo Aquino, Alex Gonzaga, Janno Gibbs, Nyoy Volante, Kim Molina, Jerald Napoles, Nar Cabico, Nico Antonio at Juan Miguel Severo. Kasama rin sina Jay Durias at Juan Karlos. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More