Una sa Balita

Jennylyn, ‘close friends’ na ang turing kina Gil, Jackie…

0 156

Sa nalalapit na pagtatapos ng serye nina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva, ang My Love From The Star, hindi maiwasan ng Ultimate Star na magbalik-tanaw sa mga naganap sa kanila ng kanyang mga katrabaho.

Kaya naman nang makausap namin ito kamakailan, ibinahagi niya na naging espesyal na ito sa kanya.

“Maswerte ako to work with my castmates who I now consider my close friends. Natutunan ko sa kanila to let loose sometimes and have fun always,” sey ni Jen.

Samantala, isang pasabog ang hinandog nila ni Gil kahapon (August 6) kasama sina Jackie Rice, Migo Adecer at Analyn Barro dahil bumisita nga sila sa Starmall sa San Jose del Monte, Bulacan simula 5PM. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy