Una sa Balita

Jennylyn buntis?

By
0 4,123

Hindi na kami nagulat sa nabalitaan ko na buntis ang isang lead actress ng isang teleserye na kasalukuyang umeere. Kasi naman matagal-tagal na ring may relasyon ang aktres sa kanyang boyfriend na madalas na silang magkasama kahit saan.

Napapanahon na siguro na magsama na talaga sila at wala naman silang sabit at very much open sa publiko ang relasyon nila.

Pareho na rin silang may anak mula sa kani-kanilang unang naging karelasyon. Madali naman malaman kung sino ang mga tinutukoy ko sa blind item na ito. Eh, sino bang artistang babae ngayon ang may umeere na teleserye at may dyowa na may anak na?

Sige na nga, para hindi na kayo mag-isip pa. Si Jennylyn Mercado ang sabi-sabing buntis na ibinulong nga sa akin ng isang malapit na kaibigan, at si Dennis Trillo ang ama. Pero, hindi ko pa sila nakakausap tungkol dito, ha! So, question mark na lang muna.

Aga, Mary Joy wagi sa 2nd Eddys
Maricel inalay kay Dolphy ang Icon award

Big winner ang pelikulang ‘Respeto’ sa 2nd EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) na ginanap last Monday night sa The Theater, Solaire. Bukod sa Best Film award, lima pang tropeo ang naiuwi ng ‘Respeto’ na pinagbibidahan ng rapper na si Abra.

Iconic namang maituturing ang sama­samang pagtanggap ng tropeo nina Ma­­ricel Soriano, Charo Santos-Concio, Eddie Garcia, at Nora Aunor ng EDDYS Film Icons of the Year award. Kasama rin dito ang mga movie queen na sina Gloria Romero at Susan Roces na parehong hindi nakadalo.

Inalay ni Maricel Soriano ang Icon award niya sa namayapang si Dolphy, na kinikilala niyang ama.

Ang Globe Studios (Play It Right) ang major presenter ng 2nd EDDYS sa pakikipagtulungan ng Film Development Council of the Phi­lippines, sa pangu­nguna ni Chairper­son Liza Diño-Se­guer­ra. Ito’y sa direksyon ni Paolo Valenciano, sa ilalim ng produksyon ng fastest growing FM station na Wish 107.5.

Narito pa ang ilang nagsipagwagi sa 2nd EDDYS:

Best Director: Mikhail Red (Birdshot) Best Actress: Mary Joy Apostol (Birdshot) Best Actor: Aga Muhlach (Seven Sundays) Best Supporting Actress (triple tie): Angeli Bayani (Maestra), Therese Malvar (Ilawod) and Chai Fonacier (Respeto) Best Supporting Actor: Dido Dela Paz (Respeto) Best Cinematography: Mycko David (Birdshot) Best Original Screenplay: Eric Cabahug (Deadma Walking) Best Sound Design: Corinne De San Jose (Respeto) Best Musical Score: Jay Durias (Respeto) Best Original Theme Song: Respeto Best Visual Effects: Ang Panday Best Editing: Marya Ignacio (Kita Kita) Best Production Design: Gino Gonzales (Ang Larawan) Ri­sing Producers Circle: Roselle Monteverde (Regal Films) and Veronique Del Rosario (Viva Films) Producer of the Year: Vic Del Rosario Jr.