Una sa Balita

Jennylyn binantaan si LJ sa panghaharot kay Tom

By
0 1,559

In character ang peg ni Jennylyn Mercado sa kanyang Instagram story kung saan tila pinagbantaan niya ang kapwa niya The Cure co-star na si LJ Reyes at sinabing wag na siyang tumitig kay Tom Rodriguez na siyang gumaganap bilang Greg, na asawa ng kanyang karakter sa serye.

Ang cute lang dahil tila pati si Tom ay kinakausap niya with her ‘Greg?’ line.

Well noon pa man ay bongga na rin talaga umakting si Jennylyn, at dito nga ay mas lalo siyang nagiging mahusay, ha!

Nakikita na rin ang chemistry nila ni Tom, kaya naman lagot daw si LJ sa kanya kapag hindi ito tumigil sa panghaharot kay Tom.

Kaloka, totohanin ba ang mga eksena?

Derrick nagpainit sa Edsa

Dumagdag sa napakainit na summer season ang pinakabagong billboard ni Derrick Mo­nasterio para sa isang sikat na clothing line.

Matatagpuan ito sa EDSA kung saan kita ang six-pack abs ng tinaguriang Primetime Prince ng isang entertainment magazine.

Wala pa mang ilang araw bago itayo ito, maraming fans na ng Kapuso actor ang nag-post nito at naglagay ng caption ng paghanga para kay Derrick. 

Lalong kinakiligan ng mga fan ang Kapuso actor na malakas ang karisma at appeal.

Nako, makakita rin kaya kami ng abs mo sa upcoming GMA series na Inday Will Always Love You, Derrick?

Totga finale kaabang-abang

All smiles ang mga fan ng The One That Got Away na nakakausap namin lately. Dahil ito sa mga nakakatuwang episodes na napapanood nila sa GMA Primetime series.

May isa kaming nabasang comment sa post ng isa sa mga bida ng show na sinasabing kahit may challenges na dumadating sa buhay nina Zoe, na ginagampanan ni Rhian Ramos, at Gael, na binibigyang-buhay naman ni Jason Abalos, okay pa rin daw sila dahil alam nilang malalampasan nila ito.

Ano pa’t nandyan ang friends niyang sina Darcy (Max Collins), Alex (Lovi Poe), Inigo (Ivan Dorschner) at Liam (Dennis Trillo). Idagdag mo pa si Gab (Renz Fernandez) na ubod ng kulit.

Kaya naman kahit sad sa nalalapit na ending nito, inaabangan pa rin ang hu­ling tatlong linggo ng The One That Got Away dahil siguradong siksik, liglig at umaapaw sa kilig ang handog sa inyo ng BFFs na sina Alex, Darcy at Zoe.

Ano kayang pakulo ang inihanda nila ngayong stuck in an island ang peg nila? Bakit kaya sila nandoon? Nako, tutukan lang yan sa GMA Telebabad gabi-gabi!

HKKIK ni Yasmien pataas ang rating

Time out muna ang bida ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka na si Yasmien Kurdi dahil isang mensahe ang ipinararating niya sa mga viewers.

Matapos ang pataas nang pataas na rating nito, hindi makakailang isa ito sa pinakasinusundang programa sa telebisyon. Paano ba naman kasi, ang tema nito napa­panahon at dedicated para sa lahat.

“Masaya ako na paganda nang paganda ang pagtanggap ng mga viewers sa ‘Hindi Ko Kayang Iwan Ka’ dahil sa mataas na ratings nito. Napapanahon ang tema ng HKKIK dahil sa pagtaas ng bilang ng HIV cases sa Pinas.

Gusto namin mabuksan ang isipan ng mga tao sa mga dinadanas na diskriminasyon ng mga taong merong HIV.