Una sa Balita

Jennylyn bet ng kababaihan

0 763

abante-paistaran-dondon-serminoAng guwapong tomboy naman ni Jennylyn Mercado. Makikita nga sa Instagram ni Jennylyn ang photo na lalaking-lalaki siya.

Anyway, sigurado ngang tututukan ngayong Sabado (Jan. 12) ang pagganap bilang tibash ni Jen sa “Magpakailanman” na pinamagatang “Confessions of a Lesbian Mo­ther.”

Tunay na kuwento ito ni Maria Louisa Ponseca, isang lesbian na nabuntis, at biglang nagkaroon ng anak.

Masaya si Jen dahil sa kanyang unang proyekto ngayong 2019, isang role na hindi niya pa nagagawa ang ipinagkatiwala sa kanya ng Kapuso Network. First time ni Jen na gumanap na isang lesbian at kahit hindi maiwasang manibago, excited siyang mapanood ito ng mga Kapuso viewer.

“Iba talaga ‘pag nakaganito ka na very uncomfortable kasi ‘di ba naka-wig ka, naka-cap, tapos ang luwag-luwag ng damit mo. Pero siyempre, character siya so kailangan mo i-portray nang maayos,” chika ni Jen.

Makakasama niya rito sina Sheena Halili, Pancho Magno, Lui Manansala, Rolando Inocencio at Tess Bomb. Mapapanood ito ngayong Sabado pagkatapos ng “Daddy’s Gurl” sa GMA.

Mababasa nga sa comment ng mga fan na bet na bet nila ang kaguwapuhan ni Jen, ha! Na type nga nilang dyowain ito.

Imagine, ang kilalang sexiest ng Pilipinas sa loob ng ilang taon, pantasya ng kababaihan ngayon, dahil sa kaguwapuhan niya bilang tomboy.

Ligawan mo ko Jen, kahit tomboy ka pakakasalan kita, ngayon lang ako papatol sa kapwa babae, basta ikaw. Ganiyan nga ang mga mababasa mong mensahe sa Instagram ni Jen.

Well, pero siyempre sa piling ni Dennis Trillo, girl na girl si Jen, no!

Mga ‘meme’ nina Barbie, Mika nagkalat sa social media

Hindi pa man nagsisimulang umere sa primetime, mainit na ngang pinag-uusapan ang upcoming serye nina Barbie Forteza at Mika dela Cruz na “Kara Mia.” Kuwento ito ng magkapatid na Kara (Barbie) at Mia (Mika) na pinanganak na may Disprosopus or craniofacial duplication, isang congenital defect kung saan mayroon silang dalawang mukha pero mayroon lamang isang katawan.

Sa katunayan, iba’t ibang meme na nga ang nagkalat online patungkol sa prog­rama. Maging si Mika ay naintriga sa concept ng kanyang bagong show sa GMA.

“Well sa totoo lang nakakaintriga naman kasi talaga and it also took us awhile to get used to the idea. We found it quite creepy also at first but when you go deeper into the story dun mo maaappreciate eh. It’s special, it’s unique at naniniwala akong makikita din nila ‘yun,” sabi ni Mika.

Kaya naman todo abang na ang mga fan sa nalalapit na pagsisimula ng “Kara Mia” kung saan makakapareha nina Barbie at Mika sina Jak Roberto at Paul Salas.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy