Una sa Balita

Jemyca Perrinas Aribado pinakaastig na squasher

By
0 1,092

Si Jemyca P. Aribado ang lumilitaw na pinakadakilang squash player o squasher, mapa-babae o lalaki, sa kasalukuyan.

Bunsod ito sa pagkakapanalo ng 25-­anyos (Born: Setyembre 21, 1993), tubong -Taguig City, pangalawa sa walong mag-uutol, undergraduate ng Sports Coaching and Officiating sa University of Makati, at umiidolo kay Malaysian squasher Nicol Ann David.

Walang Pinoy/Pinay squash player na nanalo ng isang titulo sa Professional Squash Association world tour maski sa panahon ng Squash Rackets Association of the Philippines noong 1975 hanggang noong 2013, bago naging Philippine Squash Academy ang nasabing national sport association (NSA).

Isa sa malaking pinagkakautangan ng ­maganda, may taas na 5-talampakan at dalawang pulgada, balingkinitan at maputing si Aribado ang pangulo ng PSA na si Robert ‘Bob’ Bachmann.

“Wala na po akong mahihiling pa sa pamama­lakad niya sa PSA. Kung noon once a year lang tra­vel naming mga player sa abroad, ngayon parang one to sawa kami,” panapos ng dalagang inang Ari­bado na bumisita kamakailan sa “Abante Sporta­lakan” sa Abante Makati City studio/office kasama ang kapwa national squasher na si Robert Garcia.

“Madami pa po ako gusto ma-achieve sa squash. Pero siguro ang pinakagusto ko po ma-reach is to be in the Top 20 in the world, maging coach one day or to have my own sport club.”

Q&A

ABANTE : Kumusta na ang pinakaastig na professional squash player ng bansa, mapalalaki o mapababae, na si Jemyca P. Aribado?

ARIBADO : It’s been an incredible year 2018. Winning my first PSA title in New Zealand and to become the first Filipino to win one. And right after that, the following month. I got selected to be the PSA Player of the Month for June. All I can say is I feel blessed, so blessed! Lahat ng pagod sa training, mga bagay na pinaghirapan ko nabigyan ng kapalit. Lalo na ngayon sa bago kong ranking for the month of January. #77 world rank. Post Christmas and New Year’s gift kung tawagin.

ABANTE: Napakaraming sports, bakit squash ang napili mong laruin?

ARIBADO : Squash is not one of the rich sport out there. But I love squash, sobra! Intense and so much pressure when you compete but at the same time, fun. ‘Yung tito ko dating national squash athlete (Rodan Banquilay) and ‘yung father (Joselito Aribado) ko din po naglalaro. One of the reason kaya po na push ako.

ABANTE : Ano ba ang pangarap mo?

ARIBADO : Ang dami ko pong dream. Madami pa po ako gusto ma-achieve sa squash. Pero siguro ang pinakagusto ko po ma-reach is to be in the Top 20 in the world, maging coach one day or to have my own sport club.

ABANTE : Sa mga napanalunan mo nang trophy at medal sa mga international at national competition sa abroad at sa ‘Pinas, ano ang pinaka-espesyal sa mga tagumpay mo?

ARIBADO : When I became the first player from the Philippines to win a PSA World title – Squashgym International PSA Classic W5 in 2018 Palmerston, NZ last June.

ABANTE : Mensahe mo sa mga kabataang nais ding ­maging Jemyca Aribado pagdating ng araw?

ARIBADO : Para sa mga kabataan na gusto ring maging isang magaling na manlalaro, work hard! Play hard! Be patient! Trust the process! And play squash!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy