Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jema, Creamline sokpa sa finals

0 115

Humambalos si Jessica Margarett ‘Jema’ Galanza ng krusyal na 18 puntos upang isampa ang Creamline sa 2nd Premier Volleyball League 2022 Open Conference Finals pagkatagpas sa Choco Mucho sa Game 2 at walis sa semis, 23-25, 25-19, 25-18, 25-15, Linggo sa SM Mall of Asia Arena.

Ito ang pang-anim na sunod na pinale ng Cool Smashers, na aabangan na lang ang makakatuos roon sa magwawagi sa Cignal at Petro Gazz.

Katuwang ni Galanza si Diana Mae ‘Tots’ Carlos na bumomba ng 23 markers, team captain Alyssa Valdez na umiskor ng 17 at Jeanette Panaga na naka-10 puntos.

Mula sa mabagal na opening set, umere ang opensa ng Creamline mula roon at naka-7-0 run, pa-14-7 sa fourth stanza. Nagbanta man ang Flying Titans sa 14-12, lumitaw si Galanza at pinalayo ang kampo sa 21-14 kasunod ng kanyang down the line hit.

“Thankful kami kasi nakarecover kami dun sa first set, Kinapos yung habol naming,” pahayag ni coach Sherwin Meneses. “Siyempre ang maturity ng Creamline natiyanan palagi ‘yan.”

Kapos para sa Choco Mucho ang 14 pts. ni Katrina Mae ‘Kat’ Tolentino. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.