Una sa Balita

Jeep vs truck sa NLEX, 2 patay

0 228

NASAWI ang dala­wa katao matapos bumangga ang sinasakyang jeep sa isang nakaparadang forward wing van sa kahabaan ng North Luzon Expressway (NLEX) Barangay Tabuyuc, Apalit, Pampanga, Huwebes ng madaling-araw.

Ayon kay Police Lt. Col. Elmer Decena ng Apalit Municipal Police District, nakilala ang mga nasawi na sina Adel Guico, driver ng jeep at biyahero ng mga prutas habang nasawi din ang pahinante ng truck na si Christian Dave Pasadilla, nasa hustong gulang.

Nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting in damage to property, multiple homicide, at physical injury ang driver ng truck na si Joel Bueno, nasa hustong gulang.

Ayon sa report, hindi­ napansin ng jeep ang nakaparadang truck at sumalpok ito sa likod ng truck na kung saan ay nahagip ang pahinante ng nito.

“Huminto kasi, hindi­ na makahatak ang sasakyan. Pinababa ko ‘yung pahinante, kunin mo yung early­ warning device. Wala naman tayong magagawa, Ma’am, aksidente naman talaga,” paliwanag ni Bueno.

Ayon pa sa pulis­ya, ang driver ng truck ang siyang may pananagutan dahil expressway iyon at mali ang magparada basta. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More