Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jeep vs trike, 2 estudyante todas

0 207

Patay ang dalawang estudyanteng parehong menor de edad matapos magkasalpukan ang isang owner-type jeep at isang tricycle sa Brgy. Manghinao 1, Bauan, Batangas Miyerkoles ng umaga.

Ayon sa Bauan police, ang nasawing dalawang menor de edad na isang babae at isang lalaki ay parehong pasahero ng tricycle na minamaneho ng 42-anyos na si Cenon Capilig, pawang taga-Barangay Latag, Lipa City.

Batay sa imbestigasyon, bandang alas-7:30 kamakalawa ng umaga, tinatahak ng tricycle ang national highway nang mag-overtake ito sa sinusundang sasakyan.

Subalit hindi agad ito nakabalik sa linya kaya nabangga ito ng kasalubong na dyip na minamaneho ni Arlo Mendoza, 51-anyos, taga-Bauan, Batangas.

Isinugod pa sa ospital ang tatlong sakay ng tricycle subalit ideklarang dead on arrival ang dalawang biktima.

Ginagamot pa si Capilig samantalang naaresto naman ng mga awtoridad si Mendoza. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.