Una sa Balita

Jeep swak sa bangin: 8 patay, 32 sugatan

0 337

TODAS ang walong katao habang 32 ang sugatan nang mahulog sa bangin ang sinasakyang nilang pampasaherong jumbo jeep sa kahabaan ng Brgy. Balaga, San Mariano, Isabela noong Linggo.

Kinilala ng San Maria-no Police Station ang mga namatay na sina Jeoffry Calinggal, 25-an-yos, tsuper ng jeep; John Lloyd Rivera, Marilyn Gammad; Gina Magusib; Gines Tapauan; John Lloyd Caliente at Carmelita Zalum, pawang mga taga-Macayucayu at Iring Cleto na taga-Tumauinin, Isabela.

Base sa ulat ng pulisya, pauwi umano ang mga biktima noong Sabado sa Brgy. Macayucayu nang nagkaroon ng mechanical error ang jeep.

Nawalan ng kontrol sa manibela si Calinggal na aksidenteng humampas sa gilid ng bundok at tuluyang nahulog sa bangin na may lalim na mahigit sa 10 metro.

Sa inisyal na imbes-tigasyon, nabatid na overloaded ang nasabing jumbo jeep at maging ang bubungan nito ay mayroong mga pasahero kasama ang mga pinamalengkeng iba’t ibang gulay ng mga biktima.

Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa nangyaring insidente. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy