Una sa Balita

Jeep sumalpok sa poste, 5 patay, 11 sugatan

By
Hinihila na ng towing services ang yupi-yuping pampasaherong jeep na ito na sumalpok sa konkretong poste ng kuryente sa Centennial Road sa Kawit, Cavite, kahapon ng umaga. Patay ang limang katao habang hindi bababa sa 11 ang sugatan. May kaugnay na istorya na pahina 3. (Jonas Sulit)
0 1

Lima katao ang kumpirmadong namatay sa pagsalpok ng isang pampasaherong jeep sa kongkretong poste sa kahabaan ng Centennial Road, Brgy. Tabon 3 Kawit, Cavite, pasado alas-sais kahapon ng umaga.

Ang driver ng dyip na si Emmanuel Genzole ay kritikal ang lagay at nasa Divine Grace Medical Center. Ayon sa misis nito, maagang umalis ang asawa para mamasada ng jeep. Maayos umano ang lagay nito at sa tagal ng panahon na nagmamaneho ay ngayon lamang nasangkot sa ganitong aksidente.

Sa kabilang kama ay kritikal rin ang lagay ng pizza delivery boy na si Armando Molina, na maghahatid sana ng mga paninda ng maganap ang aksidente.

Abante Hiring – IT dep

Makadurog puso naman ang eksena nang dumating sa emergency room ang ina ng isa sa mga nasawing pasahero ng jeep na si Christian Pallera.

Sa kasalukuyan ay 2 pa lamang sa 16 na pasahero ang nasa stable condition, habang 9 sa 11 sugatan ang kritikal pa rin ang lagay.

Isa sa sinisilip na posibleng sanhi ng aksidente ang pagkawala ng preno ng dyip, na ayon sa mga saksi ay nakita nilang pagewang-gewang ang takbo bago sumalpok sa poste.

Kasalukuyan pa ring inaalam ang pangalan ng apat na iba pang nasawi sa aksidente bukod kay Pallera.