Una sa Balita

Jeep o delivery truck? Pasahero parang bagahe sa Toyota PUV

0 369

HINDI pumatok sa publiko ang disenyo ng bagong public utility vehicle ng Toyota Motor Philippines Inc. (TMPI).

Tingin ng iba, parang delivery truck ang porma ng Toyota PUV na gustong ipalit ng Department of Transportation (DOTr) sa mga lumang pampasaherong jeepney.

“Sobrang inefficient. Iniisip niyo ba yung mga gagamit niyan?” usisa ni @rejinbasket.

“Aside from these modern PUVs being ugly-ass and expensive, passengers will look more like cargo than humans,” sundot naman ni @MisterHRG

Natatakot naman sumakay ang iba dito dahil parang kargahan ng ililibing ang sasakyan.

Ipinagtanggol naman ng DOTr ang bagong di­senyo ng modernong PUV.

Nagkakahalaga ng P998,000 ang Class 1 modern PUV ng Toyota Hilux brand.

Matapos ang pulong ng DOTr at TMPI nitong weekend, ipinakita na sa publiko ang bagong disenyo ng modernong PUV.

Kaya nitong magsakay ng 12 pasahero at may mga modern feature gaya ng CCTV, GPS, WiFi at dashcam. Mayroon din itong automated fare collection system at PWD friendly ang mismong passenger cabin.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy