Una sa Balita

Jeep bumaligtad, 17 pasahero sugatan

By
0 1,357

LABING-PITONG katao ang malubhang nasuga­tan matapos na matanggal ang gulong ng isang pampasaherong dyip at ilang ulit na bumaligtad sa kalsada kamakalawa ng hapon sa Sorsogon City.

Kasalukuyang inoob­serbahan sa Sorsogon District Hospital at SMMG Hospital matapos magtamo ng mga pinsala sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima.

Samantala, hindi naman nasugatan ang drayber ng naaksidenteng sasakyan na si Jose Gabuna Jazmi, 37, na ngayon ay nakakulong sa Sorsogon City PNP detention cell habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanya.

Patungo sana sa bayan ng Cumadcad ang nabatid na dyip na puno ng pasahero nang aksidenteng makalas ang unahang gulong nito sa parteng kanan dahilan upang bumigay ang ‘molye’ nito. ()