Una sa Balita

Jed Madela paulit-ulit na binalak layasan ang showbiz

By
0 181

Inamin ni Jed Madela na paulit-ulit na binalak niyan­g iwanan ang showbiz o music industry. Pakiramdam ni Jed, hindi naman daw naa-appreciat­e ang mga musika niya o hindi talaga siya gusto ng mga tao.

“Hanggang nga­yon naiisip ko ‘yon. Fee­ling ko nga hindi naman ako apprecia­ted ng mga tao. Pero, laging bumabalik sa isip ko na hanggang may gustong manood o makinig sa musika ko dapat akong mag-stay,” kuwento ni Jed.

Anyway, hindi nga dapat iwanan ni Jed ang industry na ito dahil ngayon pa lang ay marami na ang excited sa gagawin niyang pasabog sa kanyang ika-15 taong showbiz anniversary.

Mamarkahan nga niya ang kanyang ika-15 taon sa industriya sa pamama­gitan ng kauna-unahan niyan­g solo concert sa Araneta Coliseum na pinamagatang “Higher than High: The 15th Anniversary Concert” na magaganap sa Nobyembre 16 (Biyernes), 8:00 PM.

“Pangarap ng bawat mang-aawit na tumayo sa entablado at sumigaw ng ‘Good evening, Araneta!’ Excited at kinakabahan ako. Excited dahil sa wakas ay magpe-perform ako ng solo sa Big Dome at kabado dahil may pressure na punuin ang Araneta,” kuwento ni Jed.

Ayon pa sa kanya, ang manager niya ang nakaisip ng titulo ng concert.

“Naisip niya ito base sa inaasahan ng audience sa akin kapag ako’y magpe-perform – ang pag-awit ng big songs. Power belting, kumbaga. Pero hi­git sa pag-a­wit ng ganyan, ang goal ko talaga para sa concert na ito ay dalhin ang audience sa next le­vel, ‘yung tipong may goosebumps bawat number.”

“Grateful ako sa mga sumuporta since day one. Wala man akong fans na nag-aabang at tumitili, alam kong may mga supporter akong walang sawa sa pagbibigay halaga. Hanggang sa merong mga tao na nais marinig ang pagkanta ko, patuloy ako sa pag-awit.”

Mula sa direksyon ni Marvin Caldito ang “Highe­r than High: The 15th Anniversary Concert”. Makakasama ni Jed ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra – sa pamumuno ni Maestro Gerard Salonga – at ang Philippine Madrigal Singers. (Dondon Sermino)