Una sa Balita

Jeannie nanguna sa mga relief operation

0 172

Pinangunahan ni Malabon City Vice Mayor Jeannie Sandoval ang iba’t ibang relief operations noong sinalanta ang nasabing siyudad ng bagyong ‘Ompong’ at ng hanging habagat na dala nito.

Kasama rin siya sa mga relief operation at disaster response na pinapangunahan ng Philippine Red Cross Malabon City Chapter bilang isa sa mga board of director nito at tagapangulo ng volunteers committee ng nasabing humanitarian organization.

Bukod pa sa pagdadala ng pa­ngunahing ayuda sa mga evacuation center nitong mga nakaraang bagyo na aabot sa higit na 1000 pa-milyang naabutan ng tulong, agad-agad din ang kanyang pagbisita at nagdala ng malinis na tubig at hot meal sa mga nasunugan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy