Una sa Balita

Jean, pa-date-date lang, at walang ‘sex’!

By
0 8
Jean Garcia
Jean Garcia

Biglang pinagpawisan at natensyon si Jean Garcia nung mapunta ang usapan sa personal na buhay niya. Hindi itinanggi ni Jean ang pagkakaroon niya ng mga suitors at dalawa nga sa mga ito ay Chinoy o Chinese-Pinoy.

Sa presscon ng Chinoy, Mano Po 7, napag-usapan ang tungkol sa lovelife ni Jean.

“Wala pa akong boyfriend!” sabi niya, pero may mga dini-date nga raw siya sa kasalukuyan.

Bago ito nausisa na si Jean sa mga love scenes niya with Derek Ramsay sa The Escort, at pati na rin sa kissing scene nila ni Jake Cuenca na co-star niya sa Chinoy.

Naramdaman ni Jean na parang papunta na sa pinaka-pribadong parte ng kanyang buhay ang tanong ng press kaya naman pinagpawisan na ito at natensyon.

Dagdag pang naging intresado ang mga press sa sinasabi nitong dalawang Chinoy ang manliligaw niya. Umayaw na agad si Jean sa interview at biniro na lang ang press na sa iba na lang siya magpapa-interview.

Nung makalma, sinabi ni Jean na may mga napupusuan na siya pero gusto pa rin niyang makasiguro sa papasuking relasyon, dahil ayaw na raw niyang humantong uli sa hiwalayan ang lahat.

Sa naintindihan naming paliwanag ni Jean, hanggang date lang siya at hindi siya umaabot sa sinasabing sexual intimacy. Nagkaroon man dalawang anak si Jean sa magkakaibang lalake, napanatili pa rin nito ang dignidad ng kanyang pagkababae.