Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jean nakipag-away sa co-star

0 457

Dalawang taon ding hindi gumawa ng teleserye si Jean Garcia. Huli niyang ginawa ay ang ‘The Gift’ bago ang pandemya noong 2020.

Though kasama siya sa First Yaya at First Lady, sa flashback lang siya lumalabas bilang pumanaw na first wife ni President Glenn Acosta (Gabby Concepcion).

Ang ‘Lolong’ ang pagbabalik ni Jean sa pagiging kontrabida sa teleserye. Kahit na may mabigat na pinagdaanan ang aktres sa kanilang pamilya, tinanggap niya ang role na Dona Banzon kahit na inabot nang higit sa dalawang taon bago natapos ang Lolong.
Tiyak na magmamarka ulit ang pagiging kontrabida ni Jean tulad ng ibang memorable kontrabida characters niya na sina Madam Claudia Buenavista Pangako Sa ‘Yo, Lady Morgana sa Kay Tagal Kang Hinintay, Tita Betty sa Impostora at Maita Aragon sa Stairway To Heaven.
“Si Dona ay isang character na matutuwa ka sometimes pero more on mabubuwisit ka. Itong si Dona, lahat ng high meron siya. High pitch, high strung, over the top, overacting, loud siya, maingay siya pero sosyal. Guguluhin niya lahat ng buhay lalo na ‘pag ginugulo ang buhay ng asawa niya at anak niya, ganoon si Dona,” sey ni Jean.
Ikinatuwa naman ni Jean ang magandang samahan nila sa Lolong dahil naging open silang lahat sa isa’t isa.
“There are times na minsan gusto mong umiyak dahil sa sitwasyon namin sa lock-in taping. Pero I am thankful na naging close kaming lahat dahil may napagsasabihan ka ng frustrations mo.

“Minsan nagkakatampuhan din kami but we all try to be there for each other. Kaya love ko silang lahat at nag-iyakan talaga kami noong matapos na ang taping namin. Gano’n kami ka-close na sa isa’t isa,” sey ni Jean na laging nagluluto para sa cast and crew ng Lolong. (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.