Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jean naka-isolate pa rin: Pumanaw na ina nahawa sa caregiver

0 105

Ikinuwento ni Jean Garcia ang mga huling sandaling nakasama nito ang kanyang ina na pumanaw dahil sa COVID-19. Ayon kay Jean, wala raw pinakitang symptoms ang kanyang 70-year old na ina.

“Wala naman siyang fever, no cough, no colds, no difficulty in breathing. Humina lang kumain,” sabi ni Jean.

Noong magpasyang dalhin na ang ina sa ospital noong March 23, nahirapang makahanap ng ospital na tatanggap sa kanyang ina. Ten hospitals daw ang napuntahan bago ma-admit ang kanyang ina.

Nagtataka sina Jean kung bakit nagka-virus ang kanyang ina, dahil hindi naman daw ito lumalabas.

SM food to go Banner Ad

Hinala ni Jean na sa caregiver nahawa ang kanyang ina na nag-positive sa COVID-19 pero asymptomatic.

Naka-isolate ngayon si Jean sa bahay pero wala naman daw silang nararamdamang sintomas.

“Masakit talaga so sana lesson kasi COVID-19 is real. Hindi siya biro. Isa siyang plague. Huwag matigas ang ulo. ’Wag ka na lang lumabas,” payo ni Jean sa maraming tao para hindi mahawa at makahawa ng virus. (Ruel Mendoza)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.