Una sa Balita

Jean, Gelli pinag-away ni Valerie

0 869

abante-talbog-joe-barramedaTila malabo nang mu­ling ma­ging magkaibigan sina Jean Garcia at Gelli de Belen sa Ika-5 Utos. Mismong ang karakter pa ni Gelli na si Kelly ang nagbibigay ng masasamang ideya kay Clarisse (Valerie Concepcion) upang ipahamak si Eloisa (Jean Garcia).

Pinuntahan ni Kelly (Gelli) ang kanyang kaalitan na si Clarisse upang ipaalam dito ang pagdadalang-tao ni Eloisa. Dahil dito, makakaisip si Cla­risse upang muli na namang pigilan ang kasiyahan ng dating kaibigan.

Nako, hindi pa nakuntento si Cla­risse sa paglayo niya kay Emil (Tonton Gutierrez) kay Eloisa. Magtatagumpay kaya sina Kelly at Clarisse sa kanilang masamang balak? Tutukan yan sa Ika-5 Utos sa GMA!

 

Ken Chan mabango sa manonood

Sulit ang hardwork at effort ng buong cast at crew ng My Special Tatay ng GMA 7 dahil sa mataas na ratings ng prog­rama. Bukod pa riyan, madali itong napalapit sa puso ng mga manonood dahil sa nakaaantig na istorya ni Boyet (Ken Chan).

Sa kanyang Instagram post, ipinaabot ni Ken Chan ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa mga sumusuporta at tumatangkilik sa show.

“Sa tuwing gigising ako sa umaga laging may tuwa at saya sa puso ko dahil sa araw-araw na ginawa ni Lord ito lagi ang unang napakagandang balita ang natatanggap ko at kung bakit kami nakakatanggap ng mataas na ratings ay dahil sa’yo. Sa nagbabasa nito mula sa akin at sa buong produksyon ng My Special Tatay, maraming-mara­ming salamat!” sabi ni Ken.

Nag-reply rin ang mga netizen sa post ni Ken at sinabing deserve niya ang tinatamasang tagumpay ng prog­rama dahil sa husay ng kanyang pagganap.

 

Kim nakakatakam ang mga bagong patikim

Natural na para sa Kapuso stunner na si Kim Domingo ang pagi­ging isang komedyante. Ito raw ang dahilan kung bakit hindi siya nahirapang mag-adjust nang sumabak siya sa taping para sa longest-running gag show ng bansa na Bubble Gang. Dito rin nagsimulang umusbong ang kanyang showbiz career kaya naman kahit busy si Kim sa iba’t ibang showbiz commitments, sinisiguro niyang present siya sa ta­ping ng programa. Sa mga darating na episodes, tiyak maraming inihandang putahe ang sexy chef sa kanyang segment na ‘Patikim ni Kim!’

Binabati namin  ang Bubble Gang sa ika 23rd anniversary nila.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy