Una sa Balita

Jean Garcia halos maihi sa kilig kay Stephen Baldwin

By
0 1,073

Napatili, na parang maiihe, sa sobrang kilig si Jean Garcia nang makaharap niya ang Hollywood actor na si Stephen Baldwin. Kunsabagay, kahit sinong Pinoy na artista naman, kikiligin kung ang kaeksena mo sa harap at likod ng kamera ay ang isang sikat na personalidad na sa mga Hollywood movie mo lang nakikita noon.

Heto ang chika ni Jean na ayaw paawat sa pagtili, pagkilig:

“Ayieee, I’m sooo kilig dahil nabigyan po ako ng Panginoon ng pagkaka­taon hindi lang makilala pero makakatrabaho ko po ang kilalang Hollywood actor na si Stephen Baldwin sa pelikulang ‘Kaibigan’ na pagbibidahan ng Perkins Twins na sina Christian at Jesse.

“So eto na nga po, may meet and greet po kaming mga actors kay Stephen Baldwin kanina. Nung una, nung nakita ko po sya, I was really starstruck as anyone else (where I could not breathe for 30 seconds, sa totoo lang) but then nung umupo na kame at nagkuwentuhan, he was very friendly and humble and wise and calm (apart from being handsome hihihiiii).

“It was really nice talking to him. Kaya naman excited and looking forward na po ako sa shooting namin next week. And I’ll be playing nga pala his wife in the movie, ayieeee hihihiii, pagpasensyahan nyo na po ako, happy lang po si Inday! Love love everyone!!! Peace x, Jg #grateful #blessedbeyondbelief #toGodbealltheglory.” ()