Una sa Balita

Jealousy (6)

By
0 10

Dear Dr. Holmes: (shortened June 15 letter)

I broke up with my boyfriend. He is 64 yrs. old, British and am 43, Pinay. Though older, he is still attractive and charismatic. But he is a natural flirt. I am an independent woman. Our sex life is amazing.

We partied one night and one girl sat on his lap while his hand was touching another girl. We had arguments.he said it was just part of being crazy when someone’s drunk. It happened again; he got closer to one of my friend. It seems he holds parties to meet my girlfriends. I felt so used. I ended the relationship. He pleaded not to, saying I’m just jealous and unused to their (British) friendly ways. He only admires my friends but not to the extend to screw them. He asked why would I like to end up 6 yrs for that silly night?

Am I overreacting because of my jealousy? Are my intuition correct or should I save our relationship?– Yasmin

Dear Yasmin:

Maraming salamat sa sulat mo na una nating pinublish ng buo noong nakaraang Miyerkules, Hun­yo 15. Sa huling kolum natin noong Biyernes, Hun­yo 24, sinabi kona wala akong tiwala sa bf mo. Isang dahilan ay dahil ikalawang beses na niya ginawa ang mga aksyon na hindi naaangkop (inappropriate) sa iyong mga kaibigan.

Related Posts

Mayroon akong 2 dahilan kung bakit di ko matapos ang kolum noong nakaraang Biyernes (hunyo 24) gaya nang pinangako ko. (Sana tanggapin ninyo ang sorry ko, dahil dun?) Isa ay gusto kong pag-usapan ang iyong mga kaibigan. Huwag mo na silang itiwala rin. Ang tunay na kaibigan ay hindi magpapahawak (na may malisya) o magpapakandong sa bf ng iba. Hindi maaari na hindi nila nahalata ang iyong sama ng loob nang nangyayari ito. ganoong klaseng kaibigan ay hindi inaalaga ang damdamin ng kaniyang mga kaibigan?

In other words, dearest Yasmin, tapusin mo na ang pakikipagkaibigan sa mga babaeng nagpayag ng ganito hindi dahil sa BF mo, pero dahil sa walang pag-aalaga ng damdamin mo. Yan ang mahalaga. Ang mga kaibigan natin ay parang pamilya natin. Kung hindi ka nila inaala­ga kagaya ng pag-alaga nila sa kanilang tunay na minamahal, bakit pa kayo magkaibigan?

Sa bf mo naman, ang isyu ay hindi ang ginawa niya sa kaibigan mo pero ang pag-gawa ng kahit ano na magbibigay sama ng loob sa iyo. Wala namang mawawala sa kaniya kung hindi niya kinandong atbp. ang mga kaibigan mo. Pero patuloy pa niyang ginawa kahit na alam niyang masasaktan ka.

Kahit na baka mo siya ma-miss kung pagpatuloy mong iwasan siya, pangako ko sa iyo na, sa katagalan, ang pag iwan mo sa kaniya ay magbibigay sa iyo ng kapayapaan ng isip. Ingat

***

Si Dra Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes at sa Abante TONITE tuwing Martes at Huwebes. Sulatan siya sa kaniyang website www.margaritaholmes.com. I-LIKE mo rin sya Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes o sundan sa Twitter: http://twitter.com/drmargieholmes