Una sa Balita

JC walang karapatang mauna sa billing kesa kay Joross

By
0 2,536

Masaya sina Edgar Allan Guzman at Joross Gamboa na kumita ang movie nilang Deadma Walking sa MMFF. At kahit natalo si Joross, happy raw siya sa napa­nalunan nilang award, ang best float.

“Actually, ‘yan ang pinakagusto naming award, ito lang kasi ang award na may pera, ang best float! Ha! Ha! Ha! Buwis buhay pa kami sa float na ‘yon! Sa sungay lang ng dragon ang kapitan namin,” biro ni Joross.

Pero teka, may bagong kakaharaping isyu si Joross tungkol sa billing niya sa upcomin­g movi­e na Ang Dalawang Mrs. Reyes. Ano ang reaksyon sa maliit na pangalan niya sa billing­ na nakita sa naglabasang poster?

“Hindi ako billing conscious! Dati nga, hindi kami nagreklamo sa pelikulang Dilim. Nauna sa akin si Nathalie Hart. Sabi lang ni Sir Noel (Ferrer, his manager), ayaw lang naming maulit uli. Sa akin walang problema,” diin niya.

Mas una naman siyang nagbida kesa kay JC de Vera, huh!

“Kayo? Kayo! Hindi ko na alam ang isasagot ko. Nakaka-pressure kayo!” bulalas ni Joross.

Anway, wala mang acting award si Joross, napuri-puri rin ang husay niya sa pelikula na sa ngayon ay pumapalo sa takilya kaya malamang pasok ito sa number 4 o 5 sa top grosser.

Showbiz mas magiging makulay sa 2018

Huling araw na ng 2017 at bukas ay Bagong Taon na. Gaya ng mga nakaraang taon, makulay pa rin ang mundo ng showbiz. At sabi nga, mas magiging makulay ang showbiz ngayong 2018 dahil sa matinding labanan pa rin sa telebisyon at pelikula.

Taon-taon ay laging kontrobersyal ang Metro Manila Film Festival dahil sa choices ng entries at winners ng awards night.

But this year, mini­mal lang ang uma­ngal sa pelikulang pa­labas at gayundin sa winners. What’s good is kumita ang festival kaya masaya ang lahat, producers, cinema owners at beneficiaries ng resulta.

Pero kontrobersyal man o hindi, marami pa ring producers ang interesadong sumali sa movie fest, huh!

Hanggang January 7 pa mapapanood ang walong entries. Enjoy viewing!

Happy New Year sa inyong lahat!