Una sa Balita

JC Santos hubo’t hubad sa harap ni Angelica

0 658

Bet ko rin ang kabaliwan ng role ni Angelica Panganiban sa “Call Me Tita”.

Pero, hindi kaya siya nailang na ang kaibigan niyang si JC Santos ay nakahubo sa harap niya?

Well, kahit na sabihin pang may takip naman na maliit na tela ang harap ni JC, pero ‘di ba, nakahubo pa rin ito sa harap niya? Na konting kilos, puwede niyang masilip ang ‘nota’ nito, ha!

Pero, dahil magkaibigan nga sila, baka nga mas madali na ‘yon, na tipong walang ilangan, at trabaho lang talaga ang lahat.

At ‘di ba nga, tunay na aktres si Angelica­, at si JC naman, palaban­ din bilang­ aktor. Tipong walang ­inuurungan. Na kahit ang magpasilip ng kargada niya, makipaglaplapan sa kapwa lalaki, kayang-kaya niya.

Ang papel nina JC at Angelica ang nagbigay ng ‘hope’ sa kuwento ng “Call Me Tita”, na kahit ano pa ang pinag­daanan mo sa buhay, may pag-asa pa rin.

(Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy