Una sa Balita

JC magkaka-baby na

0 404

Sa naganap na press conference nitong Huwebes para sa pelikulang “On Vodka, Beers, and Regrets”, marami ang nagulat sa revelation ng aktor na si JC Santos.

Nagulat nga ang lahat dahil nasabi ng aktor na magkakaroon na siya ng baby sa kanyang asawa na high school crush niya. Ayon pa sa aktor, ikinasal sila ng asawa niya noong September 2019 at ngayong taon inaasahang lalabas ang kanilang first baby.

Mailalarawan nga raw ni JC na “best year” ang 2019 para sa kanya dahil hindi lang dahil sa kasal na naganap kundi pati na rin sa tagumpay ng kanyang career sa showbiz industry.

Nitong katatapos nga lamang na MMFF, top grosser nga ang pelikulang kinabibilangan ni JC na “Miracle in Cell No. 7”.

“Sobrang thankful ko kay Lord na lahat ng dasal ko, lahat ng pangarap ko, natupad last year… Bukod du’n sa career ko, ‘yung crush ko noong high school na nabasted ako 15 years ago, nagkita kami ulit, at hindi ko na siya pinakawalan,” sabi ng aktor.

Ikinuwento pa ng aktor kung paano niya ipinagpaalam ang HS crush niya sa magulang nito na nais niya ngang pakasalan, at ngayon ay happily married and expecting a baby na sila. Bongga!

Marami ang nagtaka bakit ngayon lang ito nalaman ng lahat, kaya naman tinanong ito kung bakit niya iyon inilihim.

Nilinaw naman ng aktor na wala siyang nilihim, wala lang daw kasi talagang nagtatanong at ‘yung kanyang social media naman ay puro trabaho lamang ang nilalaman. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More