Una sa Balita

JC hiwalay na sa dyowa

Salot sa career

By
0 2,133

Hindi man direktang inamin n i JC Santos, pero halata sa kanyang facial expressions na totoo nga ang tsika na hiwalay na sila ng kanyang dyowang si Teetin Villanueva.

Maglilimang taon na sila nito pero sa pagkatapos nga ng presscon para sa movie niya with Ryza Cenon na Mr. & Mrs. Cruz na tsinitsika namin siya ay hindi niya maitawid ng maa­yos ang tungkol sa tanong kung silang dalawa pa nga nito.

Hindi rin niya inamin na kung may efforts siyang ginagawa para ayusin ito dahil sobrang dami rin daw ang kaganapan sa kanyang career.

Obviously, ang bumobonggang TV at mo­vie career niya ang salot sa kanyang personal na buhay dahil mukhang ito nga ang priorities niya.

“I want to keep it private. Yeah, there’s a problem.
“May kinalaman sa career ko,” sabi ni JC.
That’s it!

Well, kung single nga raw si Ryza na very much involved kay Cholo Barretto ay willing siyang ligawan ito dahil crush niya pala ito.

‘Yun na!

Eddie at Zion ‘Blue Suede’ duet super trending

Going viral nga­yon ang vi­deo clip na pinost ni Sarah Lahbati kung saan tungkol sa bonding moment ng kanyang anak na si Zion at ang papito nitong si Mr. Eddie Gutierrez.

Sa clip ay makikitang tinuturuan ni Eddie ang kanyang gwapong apo na kumanta ng timeless and classics ni Elvis Presley na Blue Suede Shoes at Hound Dog.

Talagang pormang Elvis ang batikang aktor na nandun pa rin ang timbre ng kanyang boses na mala-King of Rock and Roll pati ang kanyang moves samantalang si Zion naman, kahit nakapangbahay lang ay talaga namang sing-ala-mega rin with his lolo.

Halatang alam na niya ang ibang lyrics nito kahit hindi siya tumitingin sa karaoke at talagang sumasa­yaw-sayaw din siya na para ring isang rock star, noh!

Hindi kaya one of these days ay mag-concert ang mag-lolo ng Elvis Preley’s songs.

Malay natin, noh!