Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jazz pinulbos Cavs sa bagsik ni Clarkson

0 132

Hindi maawat si Fil-American Jordan Clarkson sa pagpapakitang gilas sa Utah Jazz.

Kumayod si former Gilas Pilipinas star player Clarkson ng 21 points at walong rebounds upang akbayan ang Jazz sa 117-87 panalo kontra Cleveland Cavaliers kahapon sa 2020-2021 NBA regular season.

Sinamantala ni Clarkson ang pagkawala ni Cavaliers star center Andre Drummond upang makatira ito sa loob at hindi puro sa three-point area.

Related Posts

Uminit ang opensa ni Clarkson kaya naman limang tres ang kanyang sinalpak para lumamang ng 28 puntos ang Jazz, 87-59, sa pagtatapos ng third period.

Si Donovan Mitchell ang namuno sa puntosan para sa Utah, nagtala ito ng 27 markers.

May kartang 7-4 ang Jazz, kasalo nila ang Phoenix Suns at Los Angeles Clippers sa second spot ng Western Conference.

Nalasap naman ng Cavs ang pangpitong kabiguan sa 12 laro. (Elech Dawa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.