Triple-double nilansi ni Westbrook

NBA | Jazz nasintunado sa Thunder

By

Tinibag ni Russell Westbrook ang ikalawang magkakasunod na triple double kung saan ikinarga ng Oklahoma City Thunder ang hu­ling ratsada para isintunado ang Utah Jazz, Martes (Miyerkoles sa ‘Pinas).

Si Westbrook, na igi­niya ang Thunder sa pa­nalo laban sa San Antonio noong Linggo sa kanyang ika-pitong 3D sa season, ay naikamada ang kanyang ika-walo sa kampanya sa naikaskas na 100-94 panalo sa Chesapeake ­Energy Arena.

Kumamada ang reigning NBA MVP ng 34 points, 13 rebounds at 14 assists kung saan naipanday ng OKC ang 11-12 sa talaan ng Western Conference.

Si Paul George ay may 21 points at si New Zealand center Steven ­Adams ay may 20 habang nagdagdag si Carmelo Anthony ng 14 sa balwarte.

Nanguna si Donovan Mitchellsa scoring para sa Utah, 31 points, habang kumana ng 16 si Joe Ingles.

Ang mapang­lansing atake ni Westbrook ang umayuda sa Thunder na makalabas sa hukay matapos na ikamada ng Utah ang 28-19 lead sa pagpinid ng unang kanto.

Umangat ang Utah, 47-39, sa half-time at ­tumalon diretso sa 80-68 ungos paakyat sa hu­ling yugto.

Ngunit ang Utah na mistulang nakapostura para sa panalo ay pinasabugan ng Thunder sa fourth quarter upang ma-outscore ang Jazz, 32-14, at angkinin ang ­panalo. 

SHARE