Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jayda gaganap na Catriona Gray

0 34

Ni: Ruel Mendoza

Si Jayda Avanzado ang napili ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na gumanap na batang version niya kung sakaling may gagawa ng biopic niya.

Si Jayda ay ang unica hija ng OPM singers na sina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado.

“Yeah, I’d pick Jayda. She popped into my head because literally I had an interview with her kanina, si Jayda. She just turned 18, she’s your cover girl. She’s so incredibly talented as a vocalist and she also is such an old soul like me. And she’s also an only child, right? So we have that in common,” sabi ni Queen Cat.

Natuwa si Jayda sa sinabing iyon ni Catriona kaya ni-repost niya sa kanyang Instagram Stories ang interview nito.

***

Blake, Gwen pakakasal na

SM SuperKidsDay Banner Ad

Mukhang matutuloy na raw ang pagpapakasal ng engaged celebrity couple na sina Blake Shelton at Gwen Stefani.

Namataan si Gwen kamakailan na suot ang bagong bigay na si Blake. Ayon sa source, nanggaling si Gwen sa kanyang bridal shower.

May nagbabantay din sa Los Angeles home nila Blake at Gwen na baka doon gawin ang kanilan wedding. Pero wala raw activity na nagaganap sa naturang bahay.

Noong nakaraang February, ni-reveal ni Blake na on hold ang wedding dahil sa pandemic.

“We want our families to be there, her mom and dad, my mom and step-dad, and we don’t have a clue when we’re going to be able to mingle again. So that is all we’re waiting on. I would marry her when we’re done with this interview if I could.”

Blake and Gwen met on the set of “The Voice” in 2014, at nag-propose si Blake kay Gwen noong October 2020.

Leave A Reply

Your email address will not be published.