Una sa Balita

Jayda Avanzado naitsapuwera: Darren Espanto, Cassy Legaspi magdyowa na

0 1,588

Napatalon ang puso ng mga fan ni Darren Espanto nang tila ibu­king ng kaniyang showbiz friends na nagkakamabutihan na sila ng anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi na si Cassy Legaspi.

Una rito, nag-post si Darren sa kanyang Instagram ng photo nilang magbabarkada at nagpasalamat sa mga sumuporta sa launching ng bago niyang music video.

“Thanks for coming to the premiere of my music video, you guys! More Tiktoks to come (LOL emoji),” ani Darren.

Nag-comment ang kakambal ni Cassy na si Mavy Legaspi ng ganito: “Congrats, @darrenespanto! Happy for you! From your brother in l….”

Nagkagulo ang mga follower ni Darren, na mga pinu-push ang relasyon ng singer at ni Cassy, dahil tila boto sa kanya ang kakambal nito. Bayaw na nga raw ang turing nito kay Darren dahil tinawag na itong “brother in law”.

Nag-reply naman si Darren, “@mavylegaspi Thank you my dear brother in l….”

Nahuhumaling nga ang magbabarkada sa pagti-Tiktok kasama sina Kyle Echarri, AC Bonifacio, Lorin at Venice Gutierrez, Leon Barretto at Kyline Alcantara.
Pero teka, paano na si Jayda Avanzado? Sumuko na ba si Darren sa panliligaw sa anak nina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza? Eh sina Carmina at Zoren, ano kayang say rito?

Naku Darren… linawin mo ‘yan sa amin!? Huwag mo ka­ming daanin sa pagpapa-cute! Hahaha!

Sue Ramirez mananapak ng manyak

Hindi ikinatuwa ni Kapa­milya aktres Sue Ramirez ang bastos na pananalita ng isa nitong follower sa not so sexy photo na pinost niya sa kanyang Instagram.

“Ngiti tayo lahat today (smile emoji),” caption ni Sue sa post nito habang nasa kotse at kitang-kita ang legs.

Ang dapat sanay pampa-good vibes at positive na outlook sa buhay ni Sue ay sinira ng isang manyak na nag-comment.

“Ang sarap dilaan ng pekp_k mo miss,” ani @rmgarchie.

Tila napikon si Sue kayo rumesbak ito at sinabing, “@rmgarchie ang sarap mo din sapakin kuya.”

Hindi pa maawat ang netizen ang humirit pa ito, “@sueannadoodles send ko sayo tit_ ko miss.”

Marami ang naasar at kumulo ang dugo sa mga kamanyakan ng follower niyang ito.

Panira talaga ng moment ‘yon para sa aktres kaya’t ang iba ay napa-comment din na hindi mo puwedeng ngitian ang mga taong walang respeto sa tao.

Ano kayang aksyon ang gagawin dito ng rumored boyfriend ni Sue na si Javi Benitez? For sure, hindi niya ito mapapalampas.

Yari kang yakman ka, alam mo ba na anak si Javi ng congressman na si Albie Benitez? Dapat sa mga ganyan tinuturuan ng leksyon!

Snow sa Korea natunaw sa hotness ni Bela

Grabe naman si Bela Padilla… nakuha pang magpa-sexy sa ilalim ng snow storm sa Korea! Ang galing lang ng naisip nilang concept kung saan makikita si Bela na todo pose pa at kitang-kita ang mala-snow sa puti na legs na akala mo pinaghalo ang summer at winter!

Eh kasi naman.. sa ‘Pinas ay nag-uumpisa na ang tag init.. samantalang sa Korea ay umuulan ng snow.

Hitsurang naligaw ng pupuntahan si Bela sa photo na’ yun na sa halip na nasa beach ay nasa kagubatan na napapalibutan ng snow. Fire and ice combined huh! Fierce!

Nagso-shoot nga ang aktres sa naturang bansa kasama ang Korean actor na si Kim Gun-woo ng rom-com film nila titled “Ultimate Oppa”. Sa hotness ni Bela, tiyak natunaw ang mga snow sa Korea! Hahaha!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More