Una sa Balita

Jayda Avanzado mas type ni Darren kesa kay Cassy Legaspi

0 808

Napakaraming nali-link kay Darren Espanto. Pero ang pinakamatunog sa lahat talaga, sina Jayda Avanzado at Cassy Legaspi.

May grupo talaga ng fans na si Cassy ang bet at meron din na si Jayda. Tila nagbunyi ang fans ni Jayda nang sabihin ng diretsahan ni Darren na hindi niya nililigawan si Cassy.

Na barkada lang sila kasama ng kakambal nito na si Mavy. Sabi ng isang fan, “Hindi talaga si Cassy dahil ang forever ni Darren, si Jayda!”

O ha!

Pero aminado naman si Darren na “girlfriend material” ang anak nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel.

Sey niya, “As of the moment, wala pa po talaga sa isip namin ‘yon. But I would say that Cassy is girlfriend material din. She’s very sweet, very kind and she’s very simple.”

Dahil sinabi ni Darren na hindi niya talaga nililigawan si Cassy kaya diretsahan namin siyang tinanong kung hindi ba siya magseselos sakali at may manligaw na ibang lalaki rito.

Eh, hayun at napag-usapan na pala nilang dalawa ‘yong ganoong situwasyon.

“We’re very supportive of everyone’s relationship and everyone’s personal life. As much as possible, we want to keep everyone low key and private.”

Sa isang banda, tinanggap naman daw agad ni Darren nang alukin siya ni Ms. Rhea Anicoche-Tan na maging endorser ng Beautederm.

Si Darren ang pinakabago at pinakabatang cele­brity endorser yata. Nakuwento ni Ms. Rhea, dahil kinuha na niya si Darren, ang dami raw niyang natatanggap na messages mula sa CasRen na kunin na rin niya si Cassy.

So ‘yon nga, first skin care endorsement ni Darren ang Beautederm.

“I said yes right away because I know, a lot of people really trust Beautederm and noong ginamit ko rin po ang products nila, super effective and it really works.”

Dingdong, Jennylyn nakakakilig ang halikan

Magaganda ang feedback na nababasa namin sa bawat episodes ng teleserye ni Dingdong Dantes. Maging ang director nito na si Direk Dominic Zapata ay pinupuri.

Sabi sa isang comment; “Direk Dominic Zapata si really doing a very good job! The camera anglin­g, the transition, ang galing.”

Pinupuri rin ng viewers sina Dingdong at Jennlyn Mercado sa mga kilig scene nila. Marami ang nagugulat at hindi raw nila inaasahan na mapapakilig pa sila ng dalawa dahil alam naman nilang may mga real-life sweetheart.

Pero ‘yon nga, mukhang inabangan ang paghahalikan nila. Pati ‘yong cliff rescue scene na isa sa iconic scene sa Descendants of the Sun.

Sabi ng isang netizen, “Alam ko naman may jowa sila in real life, pero teka, bakit ako kinikilig sa halikan nila?!”

Pero siyempre, sa kabila nito, meron pa rin ilan na hanggang ngayon, hindi pa rin yata matanggap na si Jennylyn ang nagwagi at sa kanya talaga ang role ni Dra. Maxine.

Nakababasa pa rin kasi kami na, “Kung si Marian ang leading lady, sigurado mas maganda, mas nakakakilig at mas mataas ang rating­s.”

Sarap sagutin nang, “Puwedeng move-on, move-on din ‘pag may time?” Dapat siguro maging happy na lang both for Dingdong and Jennylyn na nakikitang effective sa mga character nila.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More