Una sa Balita

Jaycee, Gyrek humagulgol sa kasal nila

By
0 399

‘Kinakabahan at hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko.’

Ito ang reaksiyon ng dating Viva Hotbabe na si Jaycee Parker nang makatsikahan namin siya before her wedding ce­remony with her partner, Jericho Aguas na ginanap sa Promenade Ballroom, sa King’s Royale, sa Bacolor, Pampanga nitong Linggo, August 19.

Apat na taon na ang relasyon nina Jaycee at Gyrek (palayaw ni Jericho), halos dalawang taon na silang live-in, pero ga­ling mismo sa groom na noon daw ay ayaw na niyang magpakasal pa pagkatapos na magkahiwalay sila ng yumaong si Isabel Granada.

Ang gusto na lamang niya noon ay ang magkaanak sila ni Jaycee, alagaan ang anak nila ni Isabel na si Hubert and that’s it. Tanggap naman ng aktres ang ganitong set up.

Hanggang mag-convert nga sila into Christian faith kung saan ang mismong pastor nila ang nag-advice sa kanila na para maging buo ito, kailangan nilang magkaroon ng basbas mula sa Itaas, kaya ganun na nga ang nangyari.

Nasa taping daw si Jaycee ng Ang Probinsyano nang tawagan siya nito at sabihin ang plano nitong magpa­kasal sila at tulungan siya sa preparasyon.

Masaya ang kasalang naganap at kitang-kita ang sobrang pagmamahalan ng dalawa lalo na sa kani-kanilang wedding vows. Espesyal ang naging mensahe ni Jaycee dahil maging ang stepson niyang si Huber na siyang kumanta ng kanyang wedding march song, ay naging bahagi ng kanyang pangakong mamahalin habambuhay katuwang ni Jericho.

Ilang beses ding nagpunas ang groom ng kanyang mga luha habang binabasa niya ang kanyang litanya para sa kanyang asawa. Bahagi ng nasabing okasyon sina Mr. Chavit Singson bilang ninong, sina Maui Taylor, Ara Mina, Katya Santos,­ at Antoinette Taus bilang bridal entourage, samantalang bisita naman sina Jennifer Lee, Tom Taus, Ketchup Eusebio at iba pa.

Engrande ang kasalan ng dalawa at lilipad sila papuntang Paris, Thailand at iba pang country bilang bahagi ng kanilang honeymoon na hopefully nga raw ay makabuo sila ng baby sister ni Hubert na siyang gustong gender ni Jericho kung sakaling magbuntis na ang kanyang misis.

Good luck and best wishes to both of you!