Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jawo kakaiba sakit sa dugo

0 88

TULUYAN nang binasag ni Robert “Dodot” Jaworski ang matagal na pananahimik sa kanilang patuloy na paghahanap sa makagagamot sa bihirang sakit na blood disorder ng tinaguraing Basketball Living Legend na si Robert “Sonny” at “The Big J” Jaworski.

Matagal na panahon nang nanahimik hinggil sa kalagayan ng tinaguriang Living Legend na si Jaworski kung saan ang pamilya ng Ginebra superstar ay paunti-unti amang na binubuksan ang kanyang sitwasyon.

Matatandaan na nito lamang simula ng taon ay nagbigay ng pahayag ang pamilya ukol sa mga isyu kay Jawo.

Gayunman, sa isang kamakailan na uploaded interview ni Anthony “Ka Tunying” Taberna, tuluyang inihayag ng anak nito at naging kakampi sa Barangay Ginebra na si Dodot Jaworski ang pinakamalinaw na sitwasyon ng kanyang ama na Hall of Famer.

“As you know, last year, medyo may mga health issues na ang dad ko,” sabi nito sa YouTube vlog, “Tune In Kay Tunying.” “And unfortunately, di pa siya nakaka-recover ng 100 percent, up to now,” sabi ni Dodot sa kakaibang sakit ng ama sa dugo.

Ipinaliwanag mismo ni Dodot ang misteryosong blood disease na nakakaapekto sa kanyang ama, na ayon sa mga kapamilya nito ay na-diagnosed pa noong 2016 at “non life-threatening.”

“It’s a problem na elevated ang kanyang iron, so he has very high iron levels, pero at the same time, anemic siya. So for the past so many years, we’ve been trying to look for doctors here and abroad but none of them can understand ano yung nangyayari sa kanya,” sabi ni Dodot.

“It could be na yung high iron levels niya is one of the reasons kung ba’t parang siyang naging super athlete siya compared to the others.” But then, “it could be a reason na medyo humina siya bigla,” sabit nito.

Patuloy naman si Dodot na paghahanap ng mga doctor na makakapagpaliwanag sa kondisyon ng ama.

“There are days when he’s in very high spirits and he’s doing well. Merong mga araw rin na tahimik din siya,” sabi pa ni Dodot, na tumatakbong vice mayor sa Pasig City sa susunod na eleksiyon bilang runningmate ng re-electionist na si Vico Sotto.

“Sana nga bumalik ang kanyang sigla at lakas, pero tuloy-tuloy yung aming paghahanap ng paraan para mahanap namin talaga kung ano ‘yung cause ng blood disorder na sinasabi natin,” sabi pa nito. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.