Good Vibes

Jawo dinalaw ang 74-anyos na fan

By

“Laban lang sa buhay at dalangin sa Diyos.”

Ito ang habilin ni Ro­bert Jaworski nang dalawin ang kanyang number 1 fan na si Renato Morales.

Mula pa noong Toyo­ta days ni Jawo ay avid supporter na niya si Morales.
Walang palya si Mang Renato sa panonood ng laro, kahit saang venue.

Nang ma-disband ang Toyota noong 1984 at nalipat si Jawo bilang playing coach sa Ginebra, sunod pa rin si Mang Renato.

Sa ngayon,  sa edad na  74 taong gulang, nagtataglay si Morales ng iba’t ibang sakit katulad ng diabetes, sakit sa prostate,  UTI at sakit sa puso.

Binigyan ni Jawo si Morales ng jersey, bola, jacket at tulong pinansiyal para sa pagpapagamot at maintenance.

Naiyak  sa tuwa si Morales dahil hindi niya ine-expect na maaalala  pa siya ng kanyang  idol at pagkakaabalahang dalawin, sadyain sa kanyang bahay sa Muntinlupa.

Maliban kay Jawo,  dumalaw din kay Morales ang dalawang kasaluku­yang players na Ginebra na sina Scottie Thompson noong January at LA Tenorio noong nakaraang taon. 

SHARE