Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jason namigay ng malinis na tubig sa Cagayan, Isabela

0 119

Sinimulan ni Jason Abalos ang ‘The Clean Water Project’ para sa mga residente ng Cagayan at Isabela na tinamaan ng bagyo. Layunin nitong magbigay ng malinis na tubig para sa mga nasabing probinsya.

“Maigsing kuwento lang. Kahapon kausap ko pinsan ko na nasa Isabela sabi ko bili tayo water containers para pwede pa magamit ulit, at sana may mga refilling station sa Cagayan at Isabela na magbigay muna ng libreng refill ng tubig. Nakapagbigay po kami ng ilan. Pero madami pa rin po ang nangangailangan ng malinis na tubig na maiinom,” kuwento ni Jason sa Instagram.

SM food to go Banner Ad

Dagdag pa ng aktor, “Hindi ako nagse-celebrate ng birthday pero magsisimula ako ngayon at magpapainom tayo ng malinis na tubig. DM niyo na lang po ‘yong regalo n’yo na donasyon at bibili tayo ng water containers para sa pamilyang nasalanta ng bagyo. Maraming salamat po.”

Ibinalita rin ni Jason na as of November 18, mayroon nang naipong clean drinking water para sa 400 families ang proyekto. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.