Una sa Balita

Jason iniwan na si Melai sa Kapamilya 

By
0 35

Kapuso na ang komedyante at dating Kapa­milya na si Jason Francisco, produkto ng Pinoy Big Brother ng ABS-CBN kung saan niya nakilala at naging asawa si Melai Cantiveros.

Thank you #SundayPinasaya (Sayawit) Masaya ang aking first guesting Sa GMA ❤ 👍

A post shared by Jason Francisco (@jasonfrancisco11) on

Halos walong taon din ang naging exclusive contract ni Jason sa Dos, at aniya, wala siyang sama ng loob sa dating mother studio kung di very thankful siya sa pag-aalaga sa kanya ng Kapamily­a network.

Nang mag-expire ang contract ni Jason sa Dos, naging maayos naman ang paglipat niya ng management,­ ang PPL Entertainment ni Perry Lansigan, na karamihan sa artists ay nasa GMA 7.

“Matagal na rin ako sa ABS-CBN, almost eight years, so susubok lang ako sa bagong surroundings, bagong experience, panibago naman,” say ni Jason.

Si Perry rin ang manager ng mga GMA artists na sina Dingdong­ Dantes, Sunshine Dizon, Gina Alajar­, Jaclyn Jose, Gabby Eigenmann, Max Collins, Arthur Solinap, Rochelle Pangilinan, Angelika dela Cruz, at iba pa.

Forte ng GMA ang comedy with long-running shows tulad ng Bubble Gang, Pepito­ Manaloto, at iba pa, kaya sinasabing swak ang paglipat ni Jason sa nasabing istasyon.