Una sa Balita

Jasmine Curtis ‘manganganak’ din sa Pebrero

0 592

Ni: Rose Garcia

Nasa Melbourne, Australia na ngayon si Anne Curtis kunsaan, plano pa raw pala sana nitong umuwi ng bansa after New Year, pero hindi na yata ito pinayagan dahil malapit na ngang manganak.

Nalaman namin ito sa kapatid ni Anne na si Jasmine Curtis-Smith. Parang si Jasmine rin ang manga­nganak dahil excited na raw siya sa magiging baby nina Anne at Erwann Heussaff.

“I’m looking forward to my niece.”

Sa February na raw ito manga­nganak.

“Maggi-give birth siya sa baby niya. Ako rin, maggi-give birth sa baby ko sa Februa­ry, ang teleserye namin ni Dingdong.”

Kung hindi raw makakasagabal sa taping nila, wish ni Jasmine na makauwi ng Australia para raw madalaw niya ang mga ito at maka-selfie niya ang baby.
“Hahaha! Yun talaga ang reason, ‘di ba?”

Happy rin si Jasmine dahil sa ngayon ang kasama ni Anne sa Australia ay ang Mommy nila. At sey nga niya, perfect time rin daw na magka-bonding ang mommy at ate niya dahil matagal ng hindi nagkakasama ng matagal.

Sa isang banda, sobrang wish come true pala kay Jasmine ang ang pagkakasama niya sa teleserye ni Dingdong.

Jennylyn puring-puri
ni Dong

Naalala pa ni Dingdong Dantes na una silang nagsama sa pag-arte ni Jennylyn Mercado ay sa Encantadia bilang mag-ama. Pero, fantasy naman ‘yun at halos hindi rin sila nagka-eksena.

Pero siyempre, ang very first na pagsasama nila ay sa StarStruck batch 1 kunsaan, siya ang host at si Jennylyn naman ang Ultimate Female Survivor.

Sabi nga namin kay Dingdong nang makausap namin sa pictorial nila, pagkatapos ng 15 years, heto’t sila na ang magkatambal sa isa sa pinakamalaki at inaabangang primetime series.

“Ako kasi, bilib din ako sa naging growth ng kanyang career. Bilang host ng StarStruck at siya ang first ultimate female survivor, talagang inevitable na masundan ko ang career niya.

“Nakaka-proud na kasama ko pa rin siya bilang Kapuso ang darating at darating naman talaga na magkakasama kami and nangyari pa dito sa napakagandang proyekto,” sabi ni Dong.

Matagal na silang nagte-taping, pero hin intay nilang talaga si Jennylyn.

Masasabi niyang “worth the wait” si Jen bilang leading lady niya?
“Worth the wait,” mabilis na sagot ni Dingdong.
At sabi niya rin, “Para sa kanya talaga ‘to.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More