Una sa Balita

Jasmine Curtis ‘di pinagsasawaan ni Ruru

0 277

abante-talbog-joe-barramedaDinalaw namin ang set ng pelikula nina Ruru Madrid at Jasmine Curtis Smith na may working title na “Unforgetful” sa Taytay, Rizal noong isang araw.

Dito, kinukunan ang hobby ni Ruru na motocross na nagpapaalala sa amin ng kapanahunan nina Aga Muhlach, Richard Gomez, Gary Estrada, John Estrada, Ian Veneracion at marami pang iba.

Isang magandang sport ito na kinakitaan namin ng masasayang samahan ng mga kapwa artista at wala pang network war noon.

Masaya sa set ng nasabing shooting na kasama rin si Michelle Dee bilang kontrabida.

Ang nakatawag-pansin sa amin ay ang madalas na intimate chikahan in between ng shooting ng dalawang bida na kung iisi-pin ko ay may nabubuong closeness. Walang sawang chikahan hanggang inabot na ng madaling-araw at kung iisipin ay hindi na sila naubusan ng topic.

Kaya nga sa pag-uwi namin ay tinutukso namin si Ruru na may nagbabadyang relasyon. Madali namang magbago at kesehodang may nakaharang na sibat ay kayang-kaya mangyari ang hindi inaasahan.

Ilang araw na lang ang shooting ng pelikulang ito at tignan na lang natin ang mga mangyayari. Talbog.

KathDen walang hiyaan, ilangan

Game na game sina Alden Richards at Kathryn Bernardo sa photobooth challenge sa kanilang guesting sa longest-running morning show na “Unang Hirit” kamakailan.

Ikinatuwa ng mara-ming netizens ang che-mistry nina Alden at Kathryn na hindi kakikitaan ng anumang ilangan o hiyaan. Sa kanila ngang photobooth challenge, walang hesitation ang dalawa sa pagpo-pose, mapa-comedy, romance or horror man.

Anyway, parang fiesta ang bakuran ng GMA dahil nga sa kanila na abala sa promo ng “Hello, Love, Goodbye.”

Dawn, Bitoy dinumog sa CdeO

Successful ang pagpunta nina Michael V. at Dawn Zulueta sa Cagayan de Oro to promote their highly-anticipated drama comedy film, “Family History”. Maaga ang naging simula ng activities nila via GMA Regional TV’s Masterclass series na ginanap sa Centrio Mall.

Dito ay naibahagi ni Bitoy sa mga taga-Cagayan de Oro ang kanyang kaalaman pagdating sa TV writing at filmmaking. Sa hapon naman ay nakisaya sina Bitoy at Dawn sa kanilang Kapuso Mall Show.

Marami sa mga nagpunta rito ang excited na ring mapanood ang movie nina Bitoy at Dawn. Mula sa GMA Pictures at Mic Test Entertainment, ang “Fa-mily History” ay mapapanood na simula July 24!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy