Una sa Balita

Jasmine confident sa kaseksihan niya

By
0 146

Hindi nga napigilan ni Jasmine Curtis-Smith na sagutin at mapikon sa ilang netizens na sobra kung makapansin sa kanyang kapayatan ngayon­ at akusahan siyang may sakit na anorexia.­

Foul nga naman ang akukasyong ito dahil ang anorexia nga ay isang matinding sakit tungkol sa weight loss at wala siya nito. Sabi nga niya, regular siyang nagpapa-check up sa kanyang doctor at ina-assure siya nito na hindi anorexia ang kanyang sakit kundi reaksiyon lang sa biglaang pagbabago ng kanyang lifestyle bilang isang solo independent individual na walang yaya o personal assistant na tumutulong sa kanya.

Kahit sa kanyang diet­ ay nagkonsulta rin siya sa isang nutritio­nist para sa isang ba­lanced-diet na pagkain.

Stress-related ang bigl­aang magbagsak ng kanyang katawan nga­yon at hindi dahil isa siyang anorexic beauty, huh! Mabuti nga raw at masyadong supportive ang kanyang dyowa na si Jeff Ortega.

Higit kanino man ay ito nga raw ang nakakaintindi sa kanyang sitwasyon, kaya hindi nawawala­ ang kanyang self-confidence at positibo­ lang ang tingin niya sa pagbabagong ito sa kanyang pangangatawan.