Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jasmine, Bistek dumepensa kina ‘Darna’

0 235

Maging ang dating Mayor at aktor na si Herbert Bautista ay nagbigay ng kanyang pahayag sa ginagawang red-tagging kay Liza Soberano.

Sa pamamagitan ng manager ni Liza na si Ogie Diaz ay ipinaabot nito ang kanyang saloobin sa nangyayari.

Dahil hindi ma-socmed si Herbert kaya pinaabot na lang niya. Ayon dito, “My take on Liza’s advocacies:

“There are a lot of instances nagkakakwentuhan kami ni Liza sa set ng Make It With You. Mabait ang “anak” ko na yan. Maganda ang prinsipyo at disiplina sa buhay.

“I believe in Liza’s advocacies (VAWC, environment, animal rights, etc.). She is aware of her rights and responsibilities in our country and as a global citizen.”

Maging ang isa sa cast ng Descendants of the Sun na si Jasmine Curtis-Smith ay hindi natakot sa “red tagging” o makasama sa hanay ng mga artista na naninindigan sa karapatan lalo na ng mga kababaihan.

Tungkol sa isyu pa rin ni Liza, nag-tweet si Jasmine na na kay Liza ang pagkampi niya at gayundin sa iba pang female celebrities sa usaping ito.

Ayon kay Jasmine, “I stand with Liza Soberano, Catriona Gray, Angel Locsin and Gabriela.

“To all those speaking up for the rights and welfare of women and girls (or anyone else), keep on going!!! THIS IS NEEDED.”

At saka niya sinundan ng hashtag na Defend Filipino Women.”

Tekla kinampihan ng publiko

Nagsalita na nga si Super Tekla o si Romeo Librada sa tunay na buhay laban sa mga paratang sa kanya ng live-in partner at ina ng 4 months old baby niya sa kanya.

Pinaratangan siya ni Michelle Lor-Banaag na diumano’y biktima siya ng sexual abused ni Super Tekla. To the point na ipina-Tulfo pa nito ang Kapuso comedian.

Pero nagsalita na rin si Super Tekla sa GMA News at itinanggi ang mga paratang sa kanya. Sinabi nga nito na nasa tamang katinuan pa siya para gawin ang ipinaparatang sa kanya ng live-in partner.

Usually sa mga ganitong usapin, ang babae ang madalas na kinakampihan agad ng netizens, pero mukhang sa nangyayari, hindi kuha ni Michelle ang simpatiya ng publiko. Karamihan sa nababasa namin ay naniniwalang planted ang ginawang video kay Super Tekla. Na tila may kung anong “motibo” raw kung bakit umabot pa sa pagpapa-Tulfo ang live-in partner nga ni Super Tekla.

Marami rin ang hindi naniniwala sa claim ni Michelle na ginugutom siya ng komedyante dahil mukhang sagot pa ni Super Tekla ang ibang miyembro ng pamilya nito.

Dati na naming nakausap si Rose at wala pa ang ganitong isyu, mismong si Rose ang nagpapatunay kung gaano kamahal ni Super Tekla ang ina ng ikalawang anak.

Kaya siguro ganun na lang din ang iyak ni Super Tekla ngayon at hindi makapaniwalang nangyayari ito sa kanila ngayon at may mga ganitong paratang sa kanya ang mismong ina ng anak– na inilaban niyang mabuhay pagkapanganak pa lamang.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.