Una sa Balita

Japorms na obrero ginulpi, hinambalos ng bakal

0 1,926

Matapos gulpihin, pinaghahataw pa ng bakal sa katawan ang isang obrero, matapos makursunadahan ng dalawang lalaki na umano’y naasar sa porma ng una sa Valenzuela City, kahapon ng madaling-araw.

Nilalapatan ng lunas sa Valenzuela City Medical Center (VCMC) si Eric Tapia, ng No. 40 Malabo Street, Barangay Maysan ng nasabing lungsod, sanhi ng mga pasa sa mukha at pinsala sa katawan.

Sa follow-up operation, naaresto ang suspek na si Manuel Paloma, 33, naninirahan sa Libis Canumay East, Valenzuela City.

Abante Hiring – IT dep

Hindi nito sinabi sa mga pulis ang tunay na pangalan ng kanyang kasamahan na nakatakas.

Kuwento ni PO3 Josephuz Melpaz ng Station Investigation Unit (SIU), bandang ala-1:20 ng madaling-araw, luma­bas sa KTV bar sa Malinis Street, Lawang Bato, Valenzuela City si Tapia na katatapos lang uminom.

Nakapamewang itong nag-abang ng tricycle papauwi nang ­bigla na lang  sumulpot­ ang mga suspek at pinagsusuntok sa mukha ang biktima.

Hindi pa nasiyahan si Paloma, kumuha pa ito ng steel pipe at pinaghahataw sa katawan si Tapia.

Nagawang makatakbo ng biktima sa loob ng KTV bar at hindi na ito sinundan ng mga suspek na mabilis na nagsitakas.

“Kursunada lang talaga ang motibo, wala naman atraso yung victim,” ani PO3 Melpaz.

Bandang alas-osto ng umaga, nagsagawa ng follow-up operation sa pinangyarihan ng insidente ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 7 at sa tulong ng mga witness, nadakip si Paloma.

Nahaharap sa kasong frustrated homicide ang suspek.