Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Japeth walastik, Player of the Week

0 97

UNTI-UNTI nang nakakabalik sa dating porma si Japeth Aguilar mula sa calf injury, kita ‘yun nang giyahan ang Ginebra sa dalawang malalaking panalo sa PBA Philippine Cup.

Si Aguilar ang bumitbit sa crowd favorites nang magkasunod na itumba ang NLEX (83-75) at San Miguel Beer (75-72).

Sa comeback win kontra Road Warriors, nambarako ang 6-foot-9 forward ng 20 points mula 9 of 13 shooting, 7 rebounds, 3 blocks nang umahon ang Gins mula 19-point hole.

Kontra Beermen, naglista naman siya ng 15 markers, 14 boards at 2 blocks para ihatid ang Ginebra sa 4-1 overall record.

Nabigyan ng magandang sendoff si coach Tim Cone na mawawala sa susunod na apat na laro ng team. Pupunta ng US si Cone, magiging assistant sa Miami Heat Summer League team.

Sa averages na 17.5 points mula 54 percent field goal shooting at 10.5 rebounds, si Japeth ang napiling Cignal Play-PBA Press Corps Player of the Week (June 22-26). (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.