Una sa Balita

Japeth, Scottie tatagay ulit sa Barangay Ginebra

Shot na!

By
0 743

Mga laro ngayon: (Ynares Center)
4:30 pm — TNT vs Rain or Shine
6:45 pm — Alaska vs Ginebra

BUO nang muli ang puwersa ng Barangay Ginebra Kings sa pagbabalik ng Team Pilipinas player na sina Japeth Aguilar at Scottie Thompson sa pagsagupa nito sa mapanganib na Alaska Aces sa tampok na laro sa eliminasyon ng 2019 PBA Philippine Cup sa Ynares Center sa Antipolo.

Una munang magsasagupa ang Rain or Shine Elasto Painters sa ganap na alas-4:30 ng hapon at nagpapakita ng pagbabago na TNT Katropa bago haharapin ng Gin Kings ang mapanganib na Aces na pilit aahon sa nalasap na huling kabiguan sa tampok na laro sa alas-siyete ng gabi.

Magbabalik para sa Gin Kings ang malaki ang itinulong sa kampanya ng Pilipinas na makapasok muli sa FIBA World Cup 2019 na sina Aguilar at Thompson na nakalaro sa unang laban kontra sa Qatar bagaman inireserba laban sa krusyal na salpukan kontra Kazakhstan.

Kinapitan naman ng Gin Kings ang ikatlong puwesto sa kabuuan nitong 3-2 panalo-talong kartada sa pagtatala ng dalawang sunod na panalo na ang pinakahuli ay kontra Blackwater Elite sa laban na ginanap sa Davao del Sur Coliseum, 85-67.

Ang pagbabalik nina Aguilar at Thompson ay inaasahang magbibigay-lakas muli sa Gin Kings sa pagsagupa nito sa Aces na nalasap noong Biyernes ang ikalawang kabiguan sa mga kamay ng nakisalo sa liderato na Phoenix Pulse Fuelmasters, 80-94.

“They will have so short time to practice with us but it will be good for us especially that we are ­facing Alaska that is coming off a disappointing loss. It is a concern because Alaska never loss back-to-back games,” sabi ni Gin Kings coach Tim Cone.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy