Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Japeth ‘plantsa’ inabot kay misis

0 28

MASYADO nang mahaba ang pahinga ng PBA kaya naman kanya-kanya ng diskarte ang mga player para makaiwas sa pagkabagot.

May ilan na tutok sa workout, nagbibisikleta o busy sa negosyo.

Ang Barangay Ginebra star na si Japeth Aguilar, iba naman ang pampalipas oras.

Dahil mahaba na ang buhok nito, naisipan ng misis ni Japeth na unatin ito.

Ibinahagi ng misis ni Japeth ang video kung saan pinaplantsa nito ang buhok ng mister.

“Look at that shine. Took me 2 hours to iron his hair. Sooo thick,” sey ng misis ni Japeth na si Cassy.

Matapos ang home service session ng mag-asawa, drums naman ang binanatan ng basketbolista.

Mahusay rin sa pagpalo ng drums ang Ginebra star, laging ibinibinida ng misis nito ang video ni Japeth kapag tumatambol.

Dahil unat na ang buhok nito, mas sumasabay ang galaw nito sa bawat palo niya sa drums.

Banat tuloy ng misis nito, “feel na feel.”

(Sarah Jireh Asido)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.