Una sa Balita

Japeth, Jared chillax muna — Cone

0 369

MAY isang abiso si coach Tim Cone sa kanyang Ginebra players: slow down.

Ayaw ngang obligahin ni Cone ang players niya, tulad ni Jared Dillinger, na mag-diet.

Offseason ng PBA, may higit isang buwan pa bago magsimula ang 2020 Season sa March 1.

Gusto ni Cone na magpahinga, mag-relax ang kanyang players.

Pero si Jared daw, nagbalak na agad hatakin ang kanyang shooting­ coach sa court para hasain ang pulso. Kinabukasan ‘yon ng Jan. 17, pagkatapos bawiin ng Ginebra ang Governors Cup crown nang itumba sa limang laro ang Meralco.
Walang problema sa coach kahit magdagdag ng timbang ang players niya.

Kain-tulog lang muna, okay lang sa kanya.

“I told Jared, you have to sit down, stop working and get fat,” anang coach. “Don’t be afraid to gain three, four or five pounds, we can get that off you.”

Gusto ni Cone na magpahinga muna ang kanyang players bago bumalik sa pagpapakondisyon para habulin ang Philippine Cup title. Misyon nilang agawin ang five-peat all-Filipino crown na hawak ng San Miguel.

Punto ni Cone, mahaba ang nagdaang season na nagsimula ng January 13, 2019 at natapos ng January 17, 2020 – higit 12 months.(Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More