Una sa Balita

Japeth garahe ng 5 araw,Team PH praktis apektado

By
0 566

LIMANG araw na oobserbahan at ipapahinga ni ­Japeth Aguilar ang minor ankle injury bago muling sumalang ang Ginebra sa PBA Philippine Cup.

Ang isa sa problema ni Aguilar ay ang obligasyon niya sa Team Pilipinas na magiging dibdiban na ang ensayo habang palapit ang final window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

‘Away’ ang huling dalawang laro ng Pilipinas, pareho pang krusyal – Feb. 21 kontra Qatar at Feb. 24 laban sa Kazakhstan.

Road game ulit ang sunod na sasalangan ng Gin Kings sa PBA, kontra Blackwater sa Petron Saturday Special sa Davao del Sur Coliseum sa Feb. 9.

Napilipit ang kanang paa ni Aguilar nang matapakan si Jackson Corpuz sa second quarter ng 97-85 win ng Gins kontra Columbian Dyip, Sabado ng gabi sa Antipolo.

Nilabas ang big man at hindi na bumalik sa laro, tumapos ng 11 points, 7 rebounds at 2 assists sa loob ng 17:48. Wala si Aguilar sa loob, nagawang iangat ng Gins sa 2-2 ang kartada sa season-opening tournament.

“Naisip ko agad ‘yung sa Gilas since crucial ‘yung mga coming practices,” wika ni Aguilar.

Lunes at Huwebes ang practice ng Team ­Pilipinas, malalaman ngayon kung makakapag-ensayo si Aguilar.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy